Panahon Ng Kastila
Talambuhay ni Padre Blancas de San Jose
Si Fray Blancas de San Jose ay isinilang sa Navarra, Espanya at dumating sa Maynila noong
1595. Siya ang kinilalang Ama ng Grammarians at Kura-Paroko ng Abucay, Bataan. Kahanga-hanga
ang kaniyang talino sa pag-aaral ng wika. Sa Bataan siyá unang nadestino at sa loob ng tatlong buwan
ay nakapagsesermon na sa Tagalog. Dahil sa dalubhasa sa Tagalog, nilagyan niya ng titik na Kristiyano
ang mga katutubong awit upang maging kasangkapan sa pagpapalaganap ng bagong relihiyon. Sumulat
din siyá ng mga tula at maituturing na unang makatang misyonerong naglathala ng tula. Lumabas ang
mga unang tula niya bilang patulang bersiyon ng mga pagninilay niya sa Sampung Utos sa libro niyang
Memorial de la vida cristiana en lengua tagala (1605). Isa rin siyá sa unang nagtipon ng salitâ para sa
bokabularyong Tagalog na itinuloy ng ibang mga misyonero pagkamatay niya. (VSA).Ang Artes y reglas
de la lengua tagala (ár·tes i rég·las de la léng·gwa ta·gá·la) ang unang nalathalang pag-aaral sa
katangian at gramatika ng isang wikang katutubo. Inilathala ito noong 1610, isinulat ni Fray Francisco
Blancas de San Jose, isang misyonerong Dominiko at inilimbag ni Tomas Pinpin sa imprentangDominiko
sa Abucay, Bataan. Nagkaroon pa ng dalawang limbag ang libro noong1752 at 1832.
Mga Akda ni Padre Blancas de San Jose:
*La Regla Arte Y de la Legua Tagala 1602- sinulat ni Padre de San Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong 1610.
*Libro de los Cuatro Postrimerias del Hombre 1604
*Nuestra Senora Del Rosario en legua y letra de Filipinas noong 1602- ikalawang aklat na
sa Pilipinas. Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1502. Nailimbag sa Imprenta ng
Pamantasan ng Sto. Tomassa tulong ni Juan de Vara , isang mestisong Instsik. Naglalaman
ito ng mag talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon.
*Libro en que Aprendan Los Tagalos , La Lengua Castellana 1610
Personal na paliwanag tungkol sa Akda:
Ang aking opinyon sa akda ni Padre Blancas de San Jose ay may malaking siyang nailimbag
dito sa ating bansa ang mga historya sa panahon ng Pilipinas na kung saan kanyang sinusulat ang
mga pangyayari noon sa Panahon ng Kastila. Mas napatibay ang pakikipaglaban ng mga Pilipino
kahit isa siyang pari ay hindi siya naghihinayang na suportahan ang mga Pilipino. Dahil sa kanyang
ideya nabuo ang kauna-unahang typography machine o makinaryang pang-imprenta dito sa bansa. Naging
matagumpay ang pagkopya nila sa mga makinaryang nanggaling pa sa Europa, gaya ng ginagamit noon sa
mga bansang Hapon at Tsina, at hindi na kinailangan pa ang pag-angkat ng mga ito.
– noong1602 at akda ni Padre Blancas