Tuesday, March 26, 2019

FILIPINO 5 GUILARAN



Panahon Ng Kastila
   
 Talambuhay ni  Padre Blancas de San Jose             
   


     
             Si Fray Blancas de San Jose ay isinilang sa Navarra, Espanya at dumating sa Maynila noong 

1595. Siya ang kinilalang Ama ng Grammarians at Kura-Paroko  ng Abucay, Bataan. Kahanga-hanga 

ang kaniyang talino sa pag-aaral ng wika. Sa Bataan siyá unang nadestino at sa loob ng tatlong buwan 

ay nakapagsesermon na sa Tagalog. Dahil sa dalubhasa sa Tagalog, nilagyan niya ng titik na Kristiyano 

ang mga katutubong awit upang maging kasangkapan sa pagpapalaganap ng bagong relihiyon. Sumulat 

din siyá ng mga tula at maituturing na unang makatang misyonerong naglathala ng tula. Lumabas ang 

mga unang tula niya bilang patulang bersiyon ng mga pagninilay niya sa Sampung Utos sa libro niyang 

Memorial de la vida cristiana en lengua tagala (1605). Isa rin siyá sa unang nagtipon ng salitâ para sa 

bokabularyong Tagalog na itinuloy ng ibang mga misyonero pagkamatay niya. (VSA).Ang Artes y reglas 

de la lengua tagala (ár·tes i rég·las de la léng·gwa ta·gá·la) ang unang nalathalang pag-aaral sa 

katangian at gramatika ng isang wikang katutubo. Inilathala ito noong 1610, isinulat ni Fray Francisco 

Blancas de San Jose, isang misyonerong Dominiko at inilimbag ni Tomas Pinpin sa imprentangDominiko 

sa Abucay, Bataan. Nagkaroon pa ng dalawang limbag ang libro noong1752 at 1832.



Mga Akda ni Padre Blancas de San Jose:

*La Regla Arte Y de la Legua Tagala 1602- sinulat ni Padre de San Jose at isinalin sa Tagalog ni                                                                                 Tomas Pinpin noong 1610.

*Libro de los Cuatro Postrimerias del Hombre 1604

*Nuestra Senora Del Rosario en legua y letra de Filipinas noong 1602- ikalawang aklat na

                 sa Pilipinas. Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1502. Nailimbag sa Imprenta ng 

                 Pamantasan ng Sto. Tomassa tulong ni Juan de Vara , isang mestisong Instsik. Naglalaman                 
                 ito ng mag talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon.

*Libro en que Aprendan Los Tagalos , La Lengua Castellana 1610


Personal na paliwanag tungkol sa Akda:

         Ang aking opinyon sa akda ni Padre Blancas de San Jose ay may malaking siyang nailimbag  

dito sa ating bansa ang mga historya sa panahon ng Pilipinas na kung saan kanyang sinusulat ang 

mga pangyayari noon sa Panahon ng Kastila. Mas napatibay ang pakikipaglaban ng mga Pilipino 

kahit isa siyang pari ay hindi siya naghihinayang na suportahan ang mga Pilipino. Dahil sa kanyang 

ideya  nabuo ang kauna-unahang typography machine o makinaryang pang-imprenta dito sa bansa. Naging 

matagumpay ang pagkopya nila sa mga makinaryang nanggaling pa sa Europa, gaya ng ginagamit noon sa 

mga bansang Hapon at Tsina, at hindi na kinailangan pa ang pag-angkat ng mga ito.


 – noong1602 at akda ni Padre Blancas